Mga napulot ko sa aking pagala-gala... (Picked up from my wandering about...)

Monday, May 5, 2008

My first post in Senegal (aka Kamusta?)


My first 'post' in Senegal came at a time when I felt really low and sorry for myself. I just felt really bad and since I couldn't access my usual blogs, I resorted to emailing my close friends and family about my rants. I'm really thankful to everyone who replied. You know who you are and I love you guys! Anyway, I'm past that stage now. But I'm putting my first 'post' up in here so that I can laugh about it afterwards and just to really get the ball rolling.

I've also actually run into a bunch of blogs from volunteers here in Senegal and I've had a lot of fun reading them. I actually feel guilty for feeling sorry for myself a while back because I really have it way better than some of the other foreigners here in terms of basic comforts. But then again there are also others who are on the opposite end who are really living a life of 'luxe' but this isn't about them, it's about me.

My first 'post' is in Tagalog, not because it's easier for me to express myself in Tagalog (it's actually much harder) but because I just miss speaking the language. I just find myself longing for those gluttal sounds and sentences that end with 'na', 'lang', 'naman', etc. If there are grammar or typos though, please do correct me.

Anyway, here's my very first and very long post.

SUBJECT: Kamusta?
Sent: Thu, 24 Apr 2008 11:20:09

Kamusta na kayong lahat? Sana naman kayong lahat ay nasa mabuting kalagayan. Nais ko lang sana kayong kamustahin upang magkaroon ng ideya sa inyong kalagayan at kung anu-ano ang mga bagong balita. Heto, tila ko nang namimiss ang pagtatagalog kung kaya’t pilit kong kumpletuhin ang aking sulat (o sanaysay) sa inyo sa ating mahal na wika.

OK naman ako dito. Malungkot minsan lalo na tuwing wala akong makausap sa Inggles at mas lalo na sa Tagalog at walang kasama sa pagtsitsismisan na tilang nagbibigay sa akin ng kaligayan kaya ko naisipan kayong sulatan (at aaminin ko na ako’y nagpapapansin).

Matagal ko nang gusto kayong sulatan at medyo nagsisisi nga ako ngayon na ngayon ko lang nagawa ito. Iniisip ko kasi mag-iipon muna ako ng kwento at saka ko ilalagay sa blog ko o saka ko na ipapadala sa inyo. Ngunit magdadalawang buwan na ako sa bansang ito at aaminin ko na marami na rin akong nakakahiyang pangyayari na dinanas (at alam kong di ito nakakagulat).

Sa mga nakakausap ko paminsan-minsan sa YM habang ako ay nasa opisina, maraming salamat! Talagang nakakapagaan ng loob tuwing kayo’y aking nasasalubong sa YM at natutuwa ako na kahit ako’y nasa malayong lugar, patuloy tayo’ng nagpapansinan at nakakapagkwentuhan.

Dito paunti-unti kong natututunan ang pakikisama sa iba’t ibang kultura at dito rin masasabi ko na paunti-unti ako rin ay nagsisikap pagbutihan ang mga pagkukulang ko sa aking sarili. Halimbawa ako’y natututo nang mamalengke, magluto at maglinis. Mag-iisang buwan na ako sa Kolda (mainit, madalas mawalan ng kuryente, at medyo malayo sa sibilisasyon) at dito ako namulat sa napakaraming bagay na dati’y di ko masyadong pinahahalagaan.

Halimbawa, walang supermarket dito. Lahat ng kailangan ko kailangan kong hanapin sa palengke at madalas kung hindi man sobrang mahal, di pa ito mahahanap dito sa Kolda. Ilang oras ako napaikot sa palengke naghahanap ng sponge na panghugas sa aking mga pinggan at ng catsup na wala din dito. Mga bagay na akala ko madaling hanapin sa isang lungsod.

Kahapon din, laking gulat ko (at sa totoo lang ito rin ang nagtulak sa akin na pagtiyagaan at paghusayin ang aking pagluluto) habang ako’y kumakain sa isang restawran katabi ng aking opisina. Pag pasok ko sa restawran, nakaupo ang isang ali sa isang tabi at katabi nya sa sahig mayroon syang isang malaking palanggana ng ulam at kanin na kanyang inahahain para sa mga kliyente (isa lang ang putahe sa araw na iyon). Napansin ko, habang ako’y kumakain na pagkatapos kumain at mag-abot ng bayad ang mga tao, isa-isa niyang kinukuha ang kanilang mga platong pinagkainan at nilalagay sa sahig tabi niya. Pa-simple ko siyang pinapanood upang tingnan kung ano ang susunod niyang gagawin. Di lamang dahil wala akong magawang iba (nakabukas ang telebisyon ngunit di ko naman maintindihan ang palabas dahil ito’y nasa wikang pambansa nila) pero dahil din may suspetsa na ako kung ano ang kaniyang gagawing katakot-takot.

Isa-isa niyang tinabi ang mga natirang karne at gulay mula sa mga platong pinagkainan ng mga nakaalis na kliyente. Kahit alam ko na kung ano ang susunod, nagulat parin ako at nandiri nang binalik niya ang mga tirang karne at gulay na ito sa kanyang palanggana upang ihain sa mga susunod na kliyente. Sayang nga naman kung itatapon niya ang mga ito. Maraming beses na din ako nakihati ng pagkain sa mga taong kilala ko dahil ganun sila kumain dito. Isang plato lang para sa lahat. Pero mga kakilala ko ito. Iba yata pag dun sa mga hindi ko kakilala. Paano na kung nasubo na at nailuwa ang mga binabalik ng aleng ito sa kaniyang palanggana? At ang kanyang mga kamay na pinanghawak niya sa mga baryang ibinayad sa kaniya at pinanghakot sa mga uuliting karne at gulay, di man lang niya hinugasan ni binanlawan o pinunasan. Di naman ako masyadong maarte sa tingin ko pero hindi ko ata matitiis bumalik at kumain doon. Magsisipag na akong pagbutihan ang sarili kong luto o dun sa luto ng mga kakilala ko o kumain sa mga mas mamahalin ngunit mas malinis na lugar. Kahit masarap ang kaniyang inihain, hindi ko ata kaya.

Pero matutuwa kayo maayos ang aking kuwarto at medyo masarap naman ang mga nasubukan kong lutuin sa aking munting bahay-kubo at sa aking maliit na lutuan.

Ayun lang. Di ako nagkukuwento para maawa kayo sa akin o para magreklamo o para mandiri kayo at itigil niyo naang mga balak bisitahin ang lugar na ito o ang mga lugar na tulad nito (kung meron man). Nais ko lamang talaga ipahayag ang aking kuwento sa wikang Tagalog upang ito’y di ko makalimutan at para din hindi niyo ako makalimutan. Nagpapansin lang ba.

At nais ko rin magpasalamat sa inyong lahat, aking mga kaibigan at pamilya. Nakikita ko ng mas malinaw ang aking mga pagkukulang. Alam kong nakakasawa at nakakapagod ako minsan bilang kaibigan o kapamilya. Minsan sa sobra kong kulit o sa sobrang tigas ng aking ulo o sa aking pagiging manhid manggigil nalang kayo sa inis. Nakakapagod din kapag paulit-ulit na napapagsabihan. Pero alam niyo, mahal ko kayo talaga kahit di ko masyado naipapakita at liligaya talaga ako sa susunod na magkita tayo muli. Kahit hindi ko kayo madalas makita o makausap, sana hindi niyo ito makalimutan. Masyado nang matagal ang nakalipas na panahon na nakalimutan ko kayong pasalamatan ng husto. At sana rin sa paglipas pa ng panahon matuto akong maging mas mabuting kaibigan, kapatid o anak para sa inyo. Nais ko lang sabihin ito na walang drama o bago huli na, para wala lang. Walang rason na konkreto. Dahil lang ito ang nararamdaman ko na nais kong ibahagi. Napakalaki ng utang na loob ko sa inyo.

Dito nagtatapos ang aking sanaysay. Sana di kayo masyadong nainis o nahabaan (pero mahaba nga talaga siya). Pasensya na. At kung kayo din ay may mga kuwento o balita, alam niyo na ngayon na labis kong ikatutuwang makausap at makapiling kayo muli.

Maraming salamat sa pagbabasa o pagpansin sa aking sulat!

3 comments:

Paolo said...

nahihilo ako sa lalim ng tagalog! haahaha

pinay said...

Maraming salamat sa iyo, Paolo!

Anonymous said...

Who knows where to download XRumer 5.0 Palladium?
Help, please. All recommend this program to effectively advertise on the Internet, this is the best program!